|
Ayan... dahil heart broken nanaman ako, magsesenti nanaman ako sa aking banyo. Syempre dito lang naman ako nakakapaglabas ng sama ng loob ng hindi ako binibigyan ng payo. Mundo ko lang to. Akin lang to. _______________________________________Ayun... para ma-feel kong may nagmamahal sakin at di ako malungkot to the highest level, binasa ko ang blog post ng taong hindi talaga ako iniwan sa ere o sa impyerno. masayang nakakalungkot. Naisip ko nga.. pag busy talaga ang isip ko sa boypren nakakalimutan ko nang kumustahin ang mga taong handang kumausap sakin anytime, anywhere. (Galing to sa blog ni Angge. Reply nya sa pinost ko nung nakaraan) post yan sa blog ni blanca.
siya kasi naisip kong itext nung sunday nung namumroblema ako. natouch
lang ako na naiisip niya rin pala yun. nun kasing magulo ang lahat para
sa kin, kami yung magkasama. wag magselos friends, pero kami kasi
talaga yung sa hirap, sa hirap at sa hirap, magkasama. nung nagpilit
kaming maki blockmates sa mga orcom students, nagkapili pilipit ang
dila sa spanish, nabulok ng anim na oras sa cp tapos nawala pala nila
reg forms namin, nagdamayan sa 5+ hours na break, nakakita ng sunrise
at sunset dahil sa span vid. pag naiisip ko na next sem, wala na yun,
nakakalungkot. wala na kong permanent karamay sa boring lectures,
mababawasan ang angge-toot supporters. huhu. pero masaya din ako na sa wakas, magagawa na niya yung gusto niya. pwede siyang magdrawing maghapon tapos ok lang yun. kelangan ko na lang masanay na mag-isa na talaga ko pag may long breaks ako, pero dahil masaya naman siya, masaya na ko. so para sa ever gago (ganda na, gorgeous pa) na si blanca, salamat sa masasayang tagpo! mamimiss kita. wag kang mag-alala, papansinin pa rin kita kahit sikat na ko at mag-asawa na kami ni mong.Ü _______________________________ Haaayyyy.. kung kagaguhan lang ang pag-uusapan sa kagaguhan lang talaga ni Angge ako natutuwa. At dahil finally, nakapasa na sya sa OrCom, CONGRATULATIOOONNNSSS!!!!!! Sige pag multimillionaire na tayong dalawa magkita tayo at batuhan ng limpak-limpak sa salapi. Hehe... ayan.. masaya na ulit ako :) |
| Leave a Comment: |