Wednesday, April 16, 2008
Blog leave?.......... NAH

Hindi ako magba-blog leave friendsfries!! Pramis.

Bat nga kaya may mga biglang nawawala o hindi nagpaparamdam sa blogosphere? (isa na ko dun)

Ito siguro ang mga dahilan:

TECHNICAL PROBLEMS

Nasiraan ng pc, walang pc, walang pang rent ng pc, ayaw na sa pc, walang koneksyon ng internet, mabagal ang koneksyon ng internet, etc...

SAWA

May mga bloggers kasi na nagsusulat tungkol sa pang-araw-araw na pangyayari sa kanilang buhay. Meron din namang kung anong maisip lang. AT meron din namang nagba-blog para sa isang purpose (mang-aliw, mang-asar, gumawa ng ibang identity sa world wide web, magtago sa ibang pangalan upang sumulat ng maraming bagay atbp.) Minsan, kung hindi na nasusunod ang purpose na yon, nawawalan na ng gana ang blogger na gumawa ng entry.

LABLAYP

Hindi ko na kailangang palawigin pa.... basta.... napupunta sa iba ang oras at pag-iisip. Puso't damdamin. ahaha

BAGONG BAHAY

Meron rin namang gumagawa ng bagong blog. Mas kapanapanabik.. kahindik-hindik... mas WOW... saka nalang natin nalalaman pag sinabi na nila sa blog nilang (I moved to... ek ek chenelyn)

O.. malay nyo may bago akong tinatayong bahay *wink*

BAGONG BUHAY

May mga issue, tao, co-bloggers, readers, o ano pa man na tinatakasan o mas mabuti nang hindi nalang nila isiwalat sa lahat ang takbo ng kanilang buhay.

 

Ako?

Ewan... isa o dalawa o maraming dahilan....

Basta eto na ko. Nagbabalik.

 

May idadagdag pa ba kayo? :)


Posted at Wednesday, April 16, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Sunday, March 09, 2008
X-men!!!

   Syet. sa lahat ng mga hinarap ko sa buhay, isa ito sa mga pinaka-challenging. Isa ito sa nagpa-drain ng aking natitirang patience sa katawan. Isa ito sa pinaka nagpapainit ng aking dugo. GGGRRRR!!!!! Kinailangan ko pa ang advice ng WIKI-How para lang magkaroon ng panlaban dahil hindi talaga ito kaya ng aking powers. WIKI-How.. salamat ng marami.

___________________

Steps

  1. Talk to your boyfriend or girlfriend about the ex, and find out what the conditions of the breakup were. This will help you judge how to handle the situation. Are they still good friends that just didn't work out romantically? Do they hate each other now? Are they just polite to each other because they attend the same school or University? Knowing the conditions of the previous breakup will help you understand the way you need to handle the situation.
  2. If the ex is still trying to push her feelings, explain to her that they are no longer in a relationship and you would appreciate it if they accept the fact you and the other person were together. If they persist, then it might be best to have your boyfriend or girlfriend explain it to them. If they continue to do so, then talk to your significant other about getting a restraining order. Some people just don't understand "Go Away" and a court order will help get it through their heads.
  3. If they are still friends or co-workers, then understand that they will maintain a relationship. You can't be expected to give up your friends just because you've gotten with another person so don't expect them to do the same. The best way to handle this is to have long conversations with your boyfriend or girlfriend about your feelings for each other. If you're still worried, then that signifies you have some confidence issues that need to be addressed.

Tips

Never settle for second place, but also never expect them to drop every aspect of their life for you. They have relationships outside of you, and if you're dealing with an ex who has become a good friend, then you need to learn how to accept it, and be comfortable and confident enough in your relationship not to feel threatened.

Warnings

  • A restraining order can be stressful and potentially could destroy the relationship you share with your loved one. Before taking this step, consider wether it's worth going through the (potential) months of lawyers, court hearings, thinking and talking about it day after day etc...
  • Consider this - is your partner secretly fuelling the flames? Do they like the extra attention? This issue can potentially make or break a relationship. If your partner is a new one consider if they are over their ex yet and perhaps you are wanting a relationship when the other person is not ready?

________________________

   Mabait ako. Pero kaya kong maging isang katakut-takot na nilalang kung kinakailangan. GGGRRRR!!!!! Sana nga ok na. Kasi parang ilang beses nang sinabi ng X na yun na titigil na sya. SANA LANG TOTOO YON DIBA?! gggrrrr.....

_______________________

Kuya Jess... ikaw na ang bahala sakin at sa aking mga kosumisyon sa buhay. Amen.


Posted at Sunday, March 09, 2008 by BLANCACHUCHAY
Comments (4)  

Saturday, February 23, 2008
NOTES TO MYSELF

      Grabe... nakita ko lang na pakalat-kalat sa kwarto ko ang librong 'to pero binago nito ang araw ko. "NOTES TO MYSELF by HUgh Hather" is a WHOAH.

___________________________

The injunction to be unselfish is an

impossible ideal. Each of us is totally

selfish in the sense that we are always

doing what some part of us wants to.

Generosity feels at least as rewarding as greed.

Selfishness is neither inherently good nor

bad--it depends on the way we are selfish

as to whether it nourishes or injures.

___________________________

If someone criticizes me I am not any less because of that.

It is not a criticism of me but critical thinking from him.

He is expressing his thoughts and feelings, not my being.

 

Before, I thought I was actually fighting for my own self-worth;

that is why I so desperately wanted people to like me.

O thought their liking me was a comment on me,

but it was a comment on them.

_____________________________________

I must do these things in order to communicate:

Become aware of you (discover you). Make you aware of me (uncover myself). Be ready to change during our conversation, and be willing to reveal my changes to you.

For communication to have meaning it must have a life. It must transcend "you and me" and become "us." If I truly communicate, I see in you a life that is not me and partake of it. And you see and partake of me. In a small way we then grow out of our old selves and become something new. To have this kind of sharing I cannot enter a conversation clutching myself. I must enter it with loose boundaries. I must give myself to the relationship, and be willing to be what grows out of it.

__________________________________________

What a very nice book.... I sooo love it!!! :)


Posted at Saturday, February 23, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Wednesday, February 20, 2008
.


Watching you sleep is the most wonderful part of life.

              Calming… relaxed… soothing… peaceful.

    Wishing that this world would be like the world of dreams.

                                You can be wherever… whatever… but in rest.

The noise of our world would be unnoticed.

            Your breath is the sound of gentle lullaby

                               Watching you sleep is the most wonderful part of life

                                             You give me reasons to stay awake as time goes by.

 


Posted at Wednesday, February 20, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Tuesday, February 19, 2008
Kagabi...

Nagpagupit na si Romar.

Dyan mag-uumpisa ang aking kwento.

Well, nakakatuwa talaga dahil nakita ko na syang maikli ang buhok (as in maikli talaga)! Bagay sa kanya pero nakuuu.. nagmukha syang chickboy. Ahaha. Pero sabi nya mas mukha syang mature... hindi na raw sya mukhang inosente.. hindi na sya cute na cute... wala nang lalapit sa kanyang chicks! Ahaha. Edi ako lang ang lalapit sa kanya. Ako lang ang chick nya. Ahaha.

Tinago ko ang onting buhok nya na ginupit. Ow... ang lungkot naman.. mahabang panahon rin nya yung inalagaan.

Ako kaya? Magpapagupit kaya ako?

Sa susunod nalang... papahabain ko nalang muna ulit ang aking hokbu. Para naman kung anu-ano nang magawa ko sa kanya.

______________________________

Ako ay sobrang swerte dahil wala man sakin ang lahat, nakakasama ko naman ang lahat para sa akin. Gets? Ahaha.. corny... corny... corny ako forever.

______________________________

Bininyagan na si Matthew nung Sunday. Alam nyo ba yung nangyari?? Tumawa sya nang tumawa nung binubuhusan na sya ng tubig. Ahaha. Lokong bata. Isa syang super cute na angel. Sana'y lumaki syang mabuting tao. :)

______________________________

Eleksyon na sa UP. Sana naman maging maayos 'to. Sana naman hindi matulad sa eleksyon sa Pilipinas. Sana... sana... sana....


Posted at Tuesday, February 19, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Friday, February 15, 2008
HAPI BALENTAYMS!

        

        

       Late na ko pero para sa mga taong umiibig... isang mainit na HAPI BALENTAYMS sa inyong lahat. Asus.. nagagaya na ko sa mga bata. Hemingway, eto nanaman ako. Alam nyo ba, ni-"love"nat ako nung Feb 14. Biruin mo yun.. Kung kailang maraming gawain at dapat sine-celebrate ang araw ng pagmamahalan... Nandun ako sa kama at niyayakap ang unan. Pero dahil masaya ang puso ko ngayon, okey lang din naman ang celebration ko ng Valentine's Day sa kaonting oras na kasama ko si Romar. Hayyy... buhay.... Love is like a pop corn talaga.. So cheesy :)

         Sa 21... 2nd month na namin. Wow! Di ako makapaniwala.. Two months ko na syang dinadala sa puso ko (ahaha corny). Sabi nya... magpapagupit na daw sya para sakin (kasi sabi namin ni Majo mas bagay sa kanya yung clean cut). Pero bagay parin naman sa kanya yung mahaba... kahit ano naman bagay sa kanya. Sabi nga nya gusto daw nya yun pahabain hanggang grumaduate sya. Tapos puputulin ko ang balak nya. Huhuhu. Pero OK lang naman daw. :)  (pero gusto ko talagang makita syang naka-clean cut. ahehe. bad girl). Sana ay tumagal pa kami ng matagal na matagal. *wish...wish...wish*

         Busy-busyhan ako ngayon. Maraming mga bagay ang nakaatas sakin (*nosebleed*). Kailangan ko nang matutong mag-manage ng oras at lakas. Hindi na ko pwedeng magpabukas pa ng mga bagay-bagay. Simula ngayon dapat hindi lang ako isang super hero. Super Duper Ever Hero na dapat ako. Pero kahit makapangyarihan... napapagod din...

*singing*

I’m more than a bird...i’m more than a plane
More than some pretty face beside a train
It’s not easy to be me

Wish that I could cry
Fall upon my knees
Find a way to lie
About a home I’ll never see


It may sound absurd...but don’t be naive
Even heroes have the right to bleed
I may be disturbed...but won’t you concede
Even heroes have the right to dream
It’s not easy to be me

 

Sana dumating ang time na makakapagpahinga ako at makakatulog ng mahaba. Makakakain ng sapat at makakapunta sa wonderland.


Posted at Friday, February 15, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Thursday, February 07, 2008
I can be

I may not be the princess of your castle....

But I can be the star of your darkest nights.

 

- 9:29 AM

 


Posted at Thursday, February 07, 2008 by BLANCACHUCHAY
Comment (1)  

Friday, February 01, 2008
'Em back!

Mamaya na ang kalokohan at magshe-share muna ako ng mga seryosong bagay sa buhay ko ngayon (hanep.. ngayon nalang ulit ako magseseryoso. ahaha)

Kumusta na pala ako?

   Ang tagal ko na ring nawala sa blogosphere. Siguro nga ganun talaga.. may mga panahon sa buhay ng mga bloggers na nagiging busy o kaya tinatamad lang talagang mag-post ng entries. May mga bagay ring mas ok nang wag i-share sa world wide web. Pero magshe-share din ako sa inyo ngayon...

_______________________________

An Open Letter to G:

   Masaya ako at friends parin tayo sa kabila ng lahat ng nangyari. Ikaw ay isang napakabait na tao. Alam kong swerte ang babaeng mamahalin mo at mamahalin ka. Marami kang kayang gawin at i-improve mo pa ang mga iyon :) Pagbutihan mo ang pag-aaral at balang araw, makikita kita ulit at magpapasalamat ako kay Lord dahil naabot mo lahat ng pangarap mo sa buhay. *apir* Salamat sa lahat *apir ulit* :)

_______________________________

   Nasan na nga ba tayo?.... Ayun.... mga nangyari sa aking buhay noong mga nakaraang linggo... Masaya naman ako. Sa pag-aaral, kaibigan, soro, bilang anak ng Diyos, bilang Pilipino, at bilang isang myembro ng pamilya (pero hindi ganoon kaayos pagdating sa pamilya.. secret ko nalang kung bakit). Pero syempre masaya rin ako sa field ng pag-ibig *tawa..tawa..tawa*

   Si Romar ay mabait. Masayang kasama. Inspirasyon ko sa p***************** buhay na 'to. Oh... hindi bad word yan ah! Palagi ko syang nakakasama at masaya naman. Masayang masaya. Pero hindi naman lahat ng relasyon perpekto diba? nagdadaan din kami sa mga bagyo, baha, whirlwind, tsunami etc... dahil sa iba't-ibang elemento sa buhay. Tao, bagay, pangyayari, lahat. Lahat may epekto sa relasyon naming dalawa. Ang kailangan lang ay pasensya, tiwala, lakas ng loob, tapang, pag-ibig at bato ni Darna *ten..tenenen...tenen...* Natutuwa ako sa sarili ko ngayon. Yung mga bagay na akala ko kinatatakutan kong mangyari, naharap ko. Yung mga problemang akala ko magpapatumba sakin, kinaya ko. Sa scale ng 1-100 nasa 100 % na talaga ang powers ko. Pwede na talaga akong maging super hero.

   May tanong pala ako..... ano bang gamot sa insecurity? Kasi naman... ang gaga ko talaga.... super search ako sa mga bagay na magpapasakit lang sa damdamin ko (yes... Filipino to the max!) Pictures... Entries... Di ba ang nakaraan ay nakaraan na... bat ba naaapektuhan parin ako ng nakaraan ng ibang tao. Bat ba ganun? May kailangan akong baguhin sa sarili ko ASAP.

    Romar....

Aylabyu.

 


Posted at Friday, February 01, 2008 by BLANCACHUCHAY
Comment (1)  

Sunday, January 06, 2008
Unang entry sa pagdating ng 2008 (medyo senti mode)

Kung may isang malalang sakit ako na ibubunyag sa inyo, iyon ay ang mga "insecurity" ko sa sarili. Sa tuwing inaatake ako nito, para akong sira na kung anu-anong naiisip.

Paano pag hindi ko nagawa to?

Paano pag nagkulang ako don?

Paano pag mas ok ang iba kaysa sakin?

Paano pag kulang pa?

Gets? Di ko to gusto. Basta nalang 'tong umuusbong na parang kabute. Seryoso... kung gano ka-kapal ang mukha ko sa ibang entry (dahil hindi naman yun seryoso), sa totoong buhay.... marami akong kulang. Marami akong hindi nagagawa. Marami akong pagkakamali na mas nagpapalala sa akin.

Self esteem.... lumabas ka....

pls....

_______________________

Kahapon ay umiyak ako sa kanyang tabi. First time kong umiyak sa tabi ng boypren. First time kong magsenti at magkwento ng mga problema sa isang boypren. At first time kong maramdaman ang ganitong klaseng saya dahil kahit maraming problema, kami ay magkasama.

aylabyu boypren.

_______________________

Mamaya ay maggo-grocery ako kasama ni momi. Ngayon ko nalang ulit sya makakasama sa ganitong gawain. Pero ito ang pinaka gusto ko sa lahat ng aming bonding moments.

kailangang tandaan: ayaw ni romar ng ketchup at mayo sa burger. *smiles

 

 


Posted at Sunday, January 06, 2008 by BLANCACHUCHAY
Comment (1)  

Friday, December 28, 2007
FAST AND FURIOUS

Napakabilis ng panahon... parang kaylan lang nagmumukmok ako sa picture frame na natanggap ko sa exchange gift nung elementary. Ngayon nag-iisip na 'ko kung anong ireregalo sa aking mahal na inaanak. Parang kaylan lang pinapangarap kong makita si Santa Claus. Ngayon nabubwisit na 'ko kung bakit pa nauso si Santa at kailangan ko pang gumawa ng kung-anik-anik na paraan para sabihin sa mga pamangkin (sa pinsan) na "Wow oh!! may gift sa inyo si Santa oh... pero umalis na sya eh.. sayang hindi nyo sya nakita." Tapos titingin pa sila sayo ng masama na parang kasalanan ko at hindi ko pinag-stay si Santa sa bahay.

Napakabilis ng panahon... biglaan akong nagka-phone (ulit) at biglaan din itong nawala... at biglaan ulit akong nagka-phone. Parang jino-joke ako ng tadhana.

Parang kaylan lang nakikita kitang ngumingiti sa malayo. Ngayon gusto na kitang makasama habang buhay. (nyak corny! haha)

Teka lang.. sorry pala at ang tagal kong hindi nakapag-post sa aking banyo.. busy kasi ako sa mga bagay-bagay at buhay-buhay.

Hindi ko nga rin maisip kung anong magandang paraan (yung exciting at thrilling) para ipakilala ko sa inyo ang ating bagong resident blogger. Well... hintayin nalang natin ang kanyang pagdating *wink*

 

MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR pala sa lahat. Mag-ingat sa mga lumilipad at nangangapit-bahay na mga paputok. Mag-ingat din sa sobrang pag-gastos at mga magnanakaw. Baguhin ang sarili para sa ikabubuti ni Mother Earth. Tinatamad na kong magsulat pero pramis... pagdating 2008 ay mas kwela ang posts ko para sa inyong lahat.

HAYLABYU OL!!

*muah*muah*tsup*tsup*slurp*slurp*


Posted at Friday, December 28, 2007 by BLANCACHUCHAY
Comments (2)  

Previous Page Next Page



BLANCACHUCHAY
Female
Kesong City :)



WELCOME sa banyo ni Blanca.
Ang babaeng WHOLESOME sa personal
pero sa blogging, MAKAPAL.
PANSININ ang NANGANGAMOY.
AMUYIN ang UMAALINGASAW.
TIGNAN ang HUBAD NA KATOTOHANAN
at baka ikaw.....
nangangailangan na rin
ng PALIKURAN.
_________________

Si Blanca ay isang 18 taong gulang na
estudyante sa isang unibersidad sa Maynila.
Araw-araw na pasahero ng LRT.
Hindi marunong sumipol.
Hindi marunong magtaas ng isang kilay.
Magaling magluto.
Mahilig gumuhit at sumulat.
Sabi ng nanay nya, sya raw ang
pinakamagandang bata sa mundo.
Ayaw nya sa "YOW-YOW" at lalong
ayaw nya kay Kim Chiu.
Gusto nyang maging astronaut
pero ayaw ng kanyang parents.
Mapanganib daw kasi sa outerspace
Mahilig sa musika.
Muntik nang maging perpektong tao.

i-add sya sa friendster:
blanca_chuchay@yahoo.com

at sa YM:
blanca_chuchay
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed