Naging maayos ang paghihiwalay natin kahit nung una, mainit pa yung diskusyon. Siguro nga may mga bagay na hindi ko pa kayang tanggapin.. at hindi mo kayang alisin/baguhin. Siguro nga may mga pagkakamali sa part mo at part ko. Siguro nga maaayos natin yon kung umalis muna tayo sa mundo nating dalawa at mag-grow as individuals.
Malungkot na masaya. Malungkot dahil napakaraming bagay ang mamimiss ko lalo na, naging dependent ako sa relationship natin. Na kapag ginagago ako ng mundo, sayo ako pumupunta. Yung thought na kahit anong mangyari, basta magkasama tayo, kayang kaya ko ang buhay. You've been my shock absorber... my bestfriend.. my buddy... Pinapagalitan mo ko.. kino-correct... pinagsasabihan... I learned a lot from you. I enjoyed life with you. I became mature in some ways because of you. Meron pala akong capacity na magmahal ng ganito dahil tinuruan mo ko.. Malungkot din dahil siguro, may mga bagay na tayong hindi magagawa. Mamimiss ko ang lambingan at kulitan at lahat lahat. As of now, masasabi kong masasaktan ako at sobrang malulungkot kapag may dumating na bagong girl na gagawin sayo yung mga bagay na dati, ako yung gumagawa. At gagawin mo sa kanya yung dati, sakin mo ginagawa. Pero alam ko naman na hinay-hinay lang ang lahat. Lahat tayo, nagkakamali sa pagmamadali. Enjoy lang... mahirap nang maulit ang mga pagkakamaling nagawa na dati.
Pero masaya parin ako. Sa lahat ng problema at away na pinagdaanan natin, naging matibay tayo. Marami tayong realizations. Sa ngayon, mas mae-ecplore pa natin ang mundo. Malalaman natin kung may happiness pang nagtatago sa tabi-tabi... hindi lang natin napapansin. Mas makikilala natin ang sarili natin at mabi-build ang taong gusto nating maging. Pero kasama sa freedom na yon ang responsibilities... para di na tayo bumalik sa mga dati nating pinagdapaan.
Hindi mawawala ang feelings. Nandyan lang yan. Sabi mo nga diba.. hindi naman dapat mawala. Ang friendship, sana lumalim pa. Ngayon hindi na muna tayo, makakapag-share ka na sakin ng kahit ano na hindi kita tititigan ng masama at magtatampu-tampuhan. haha. Ang mga experience, sana dumami pa... para tuturuan mo ko sa buhay at tuturuan din kita. Di natin alam kung may bagong taong dadating sa buhay natin at babaguhin ang set up ng lahat. Hindi natin hawak ang ikot ng mundo. Basta wag kang makakalimot na mag-share ha.
Pero ito ang promise ko sayo... I'll build myself... my better self... tougher... smarter... more confident... lahat ng pwede kong i-improve. Dadating yung time na magkakabalikan din tayo at sasabihin kong handa na kong ituloy yung love story natin hanggang "and they lived happilly ever after" (Pero sana sa time na yon available ka at may space pa ko sa puso mo). Dun ko masasabing ikaw nga yung Romar na kakwentuhan ko sa bench nung gabi bago mag-Pasko at tumunog yung bells... at sabi ko sa sarili ko.. ikaw na yung gusto kong makasama habang buhay...
Sana walang magbago... Nandito lang ako... di kita iiwan sa ere. Pag inaaway ka ng mga tao... sabihin mo lang sakin.. aawayin natin sila. Ipagluluto parin kita. Pag free ako at may pumasok nanamang butiki sa kwarto mo.. papatayin ko yun... Lahat ng pwede kong gawin..
Mahal na mahal kita.
Hindi dito natatapos ang lahat.
:)
Posted at Sunday, June 01, 2008 by
BLANCACHUCHAY