Sunday, September 07, 2008
PATAWAD

Patawad sa ilang buwang pagkawala...

Naadik lang sa MULTIPLY

kaya pindutin nyo nalang yan at magkikitakits din tayo :)

Posted at Sunday, September 07, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Monday, June 23, 2008
BITAG

Ang pag-ibig ay katapangan

pagkasa ng baril na itututok sa sarili mong sentido

at pag-asang hindi siya ang kakalabit

sa gatilyong kikitil sa iyo.

 

Ang pag-ibig ay pagtataya

sa sugal ng kasiyahan at lumbay

at pagnanais na makamit

ang di mapapantayang saya

ng walang hanggan.

 

Ang pag-ibig ay pag-asa

na ang sinimulan ay walang katapusan

at pagiging handa

sa pagdating ng hangganan

ng sinumpaang walang hanggan.

 

Ang pag-ibig ay pagtanggap

sa sakit at hirap

pakikisalo sa dusa at saya

pagyakap sa kanyang kabuuan

paghaplos sa kanyang kaluluwa

pagdepensa sa husga ng mga diyos

paglikha ng sarili nyong langit.

 

Ang pagibig ay pagsuong

sa digma ng tadhana

armas ng natitirang giting

paglaban sa nais bumuwag

hapdi ng maaaring pagpanaw

pagwawagi sa pinaglabang damdamin

kabayanihan sa kabila ng pagsuko.

 

Ang pag-ibig ay pagkabulag

pagkamanhid ng iyong pandamdam

pagtiis sa sampal ng pagkabigo

pagdama sa sarap ng sakit

pagkuha ng lakas sa lahat ng pangako

pagkabuhay mula sa paghihingalo.

 

Ang pag-ibig ay patibong ng langit

misteryo ng isang matinding mahika

walang makatatakas sa dulot na saya

sa hipnotismo ng patuloy na pagtibok

lahat ay nagiging makata

sa liriko ng pinagsasaluhang awit.

 

Ang pag-ibig ay pagkahulog

sa masalimuot na bitag ng pagsinta

at di na muling pagtakas

sa rehas ng ligaya.

 

______________________________

Para sa lahat ng tulad kong nahulog sa bitag.


Posted at Monday, June 23, 2008 by BLANCACHUCHAY
Comments (2)  

Saturday, June 21, 2008
Ang Aking Mantsari

Prensfries!! Naku.. ngayon nalang ulit ako magshe-share sa inyo ng happenings sa aking lablayp. Eto... pang-anim na month na namin ng pag-iibigan. Sa pagitan ng saya, luha, away, galit, kilig, at pagmamahal (asus)

Nag-basketball muna sila ng brods sa Teacher's Village.

Tapos nag-away kami. Umiyak nanaman ako.. as always. (I-YA-KIN! I-YA-KIN!)

Tapos sabi nya...

"Isipin mo muna kung handa ka na sa isang relasyon.. meron ka pang dalawang oras para isipin yon.. tapos tsaka mo ko batiin"

Si Romar talaga... pang-telenovela ang lines kapag nagdadrama na. Ahihi.

Tapos........






Naisip ko.. oo. Handa ako sa isang relasyon. Pagkatapos ba ng lahat ng saya at hirap na pinagdaanan namin, hindi pa ba ko magiging handa? Sa kabila ba ng pinagsamahan namin... bibitaw ako? HINDI KAYA. MAHAL KAYA KITANG TABACHOY KA.


Kaya bati na kami.. at nag-celebrate ng aming masayang monthsary.

(teka.. dapat may picture dito.. e puno na daw ang mass storage ko.. kaya sisihin ang BLOGDRIVE!!!)


Posted at Saturday, June 21, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Tuesday, June 03, 2008
Body vs Me (nangangamoy pawis. syet)

Nagoyo ka nanaman ng buhay.

Pinili kasing makipaglaro sa tadhana.

Natapilok ngunit nagpanggap na wala lang.

Nang di mapahiya sa mata ng mga bathala.

 

Para kang bumerang

na paikot-ikot at pinagpasa-pasahan

ng lungkot at saya sa bukang liwayway.

 

Sabi ko sayo.. para ka nang tanga.

Pero nagpupumilit parin.

Sige bahala ka... buhay mo yan...

Katawan lang ako.

Pero ako ang napapagod.. ikaw ang taga-reklamo.

 

 


Posted at Tuesday, June 03, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Sunday, June 01, 2008
Love Letter

       Naging maayos ang paghihiwalay natin kahit nung una, mainit pa yung diskusyon. Siguro nga may mga bagay na hindi ko pa kayang tanggapin.. at hindi mo kayang alisin/baguhin. Siguro nga may mga pagkakamali sa part mo at part ko. Siguro nga maaayos natin yon kung umalis muna tayo sa mundo nating dalawa at mag-grow as individuals.
       Malungkot na masaya. Malungkot dahil napakaraming bagay ang mamimiss ko lalo na, naging dependent ako sa relationship natin. Na kapag ginagago ako ng mundo, sayo ako pumupunta. Yung thought na kahit anong mangyari, basta magkasama tayo, kayang kaya ko ang buhay. You've been my shock absorber... my bestfriend.. my buddy... Pinapagalitan mo ko.. kino-correct... pinagsasabihan... I learned a lot from you. I enjoyed life with you. I became mature in some ways because of you. Meron pala akong capacity na magmahal ng ganito dahil tinuruan mo ko.. Malungkot din dahil siguro, may mga bagay na tayong hindi magagawa. Mamimiss ko ang lambingan at kulitan at lahat lahat. As of now, masasabi kong masasaktan ako at sobrang malulungkot kapag may dumating na bagong girl na gagawin sayo yung mga bagay na dati, ako yung gumagawa. At gagawin mo sa kanya yung dati, sakin mo ginagawa. Pero alam ko naman na hinay-hinay lang ang lahat. Lahat tayo, nagkakamali sa pagmamadali. Enjoy lang... mahirap nang maulit ang mga pagkakamaling nagawa na dati.
       Pero masaya parin ako. Sa lahat ng problema at away na pinagdaanan natin, naging matibay tayo. Marami tayong realizations. Sa ngayon, mas mae-ecplore pa natin ang mundo. Malalaman natin kung may happiness pang nagtatago sa tabi-tabi... hindi lang natin napapansin. Mas makikilala natin ang sarili natin at mabi-build ang taong gusto nating maging. Pero kasama sa freedom na yon ang responsibilities... para di na tayo bumalik sa mga dati nating pinagdapaan.
       Hindi mawawala ang feelings. Nandyan lang yan. Sabi mo nga diba.. hindi naman dapat mawala. Ang friendship, sana lumalim pa. Ngayon hindi na muna tayo, makakapag-share ka na sakin ng kahit ano na hindi kita tititigan ng masama at magtatampu-tampuhan. haha. Ang mga experience, sana dumami pa... para tuturuan mo ko sa buhay at tuturuan din kita. Di natin alam kung may bagong taong dadating sa buhay natin at babaguhin ang set up ng lahat. Hindi natin hawak ang ikot ng mundo. Basta wag kang makakalimot na mag-share ha.
       Pero ito ang promise ko sayo... I'll build myself... my better self... tougher... smarter... more confident... lahat ng pwede kong i-improve. Dadating yung time na magkakabalikan din tayo at sasabihin kong handa na kong ituloy yung love story natin hanggang "and they lived happilly ever after" (Pero sana sa time na yon available ka at may space pa ko sa puso mo). Dun ko masasabing ikaw nga yung Romar na kakwentuhan ko sa bench nung gabi bago mag-Pasko at tumunog yung bells... at sabi ko sa sarili ko.. ikaw na yung gusto kong makasama habang buhay...
       Sana walang magbago... Nandito lang ako... di kita iiwan sa ere. Pag inaaway ka ng mga tao... sabihin mo lang sakin.. aawayin natin sila. Ipagluluto parin kita. Pag free ako at may pumasok nanamang butiki sa kwarto mo.. papatayin ko yun... Lahat ng pwede kong gawin..

Mahal na mahal kita.
Hindi dito natatapos ang lahat.
:)

Posted at Sunday, June 01, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Thursday, May 29, 2008
YM with Gian

Ayan.. pinagusapan namin ang heartache ko...

Gian Carlo: alam mo minsan talaga you have to be strong for someone you love
Gian Carlo: if you can't then make sure that someone you love will be strong enough for you...
Gian Carlo: gets mo ba?
Gian Carlo: hehe
blanca fuentes: oo
blanca fuentes: pero bat palaging ako nalang ang dapat maging strong? at bakit nya ko binibigyan ng mga dahilan para gumive up?
Gian Carlo: Baka he wants you to give up...
blanca fuentes: pero sabi nya mahal nya ko... insensitive lang talaga sya
blanca fuentes: bat ganun...  kailangan bang pagdaanan talaga to
Gian Carlo:
Gian Carlo: siguro oo
Gian Carlo: it'll make you stronger
Gian Carlo: better

Gian Carlo: mahal mo pa ba sya?
blanca fuentes: oo :(

Gian Carlo: see
Gian Carlo: you'll get through
Gian Carlo: mag-usap kayo
Gian Carlo: pagusapan nyo ang mga weakness ninyo
Gian Carlo: para wala na ulit masasaktan
blanca fuentes:
Gian Carlo: mahalin mo siya dahil mahina siya.. mahalin kadin niya dahil mahina ka
Gian Carlo: in that way wala nang masasaktan kasi naiintindihan niyo siya
Gian Carlo: nagkakaintindihan kayo at di kana masasaktan sa kung ano ang ginagawa niya
Gian Carlo: vice versa
blanca fuentes: tama ka
Gian Carlo: dapat bukas magusap na kayo
Gian Carlo: haha
Gian Carlo: kaw talaga
Gian Carlo: parang kang nanay ko

Gian Carlo: don't worry maganda din naman nanay ko
Gian Carlo: haha
Gian Carlo: :)
Gian Carlo: smile naman diyan
Gian Carlo: smile na yan
Gian Carlo: uy magsasmile na yan
Gian Carlo: ayan o ngumingiti na
Gian Carlo: wag mong pigilan
Gian Carlo: smile na
Gian Carlo: ayt nagsmile na siy!
Gian Carlo: hahaha
Gian Carlo: :)
blanca fuentes: :D
blanca fuentes: haha.. pilit na ngiti ahaha...
Gian Carlo: hahah

AND SO ON.....

 


Posted at Thursday, May 29, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Wednesday, May 28, 2008
GOING SENTI..

        Ayan... dahil heart broken nanaman ako, magsesenti nanaman ako sa aking banyo. Syempre dito lang naman ako nakakapaglabas ng sama ng loob ng hindi ako binibigyan ng payo. Mundo ko lang to. Akin lang to.

        Ayun... para ma-feel kong may nagmamahal sakin at di ako malungkot to the highest level, binasa ko ang blog post ng taong hindi talaga ako iniwan sa ere o sa impyerno. masayang nakakalungkot. Naisip ko nga.. pag busy talaga ang isip ko sa boypren nakakalimutan ko nang kumustahin ang mga taong handang kumausap sakin anytime, anywhere.

(Galing to sa blog ni Angge. Reply nya sa pinost ko nung nakaraan)
_______________________________________
post yan sa blog ni blanca. siya kasi naisip kong itext nung sunday nung namumroblema ako. natouch lang ako na naiisip niya rin pala yun. nun kasing magulo ang lahat para sa kin, kami yung magkasama. wag magselos friends, pero kami kasi talaga yung sa hirap, sa hirap at sa hirap, magkasama. nung nagpilit kaming maki blockmates sa mga orcom students, nagkapili pilipit ang dila sa spanish, nabulok ng anim na oras sa cp tapos nawala pala nila reg forms namin, nagdamayan sa 5+ hours na break, nakakita ng sunrise at sunset dahil sa span vid. pag naiisip ko na next sem, wala na yun, nakakalungkot. wala na kong permanent karamay sa boring lectures, mababawasan ang angge-toot supporters. huhu.

pero masaya din ako na sa wakas, magagawa na niya yung gusto niya. pwede siyang magdrawing maghapon tapos ok lang yun. kelangan ko na lang masanay na mag-isa na talaga ko pag may long breaks ako, pero dahil masaya naman siya, masaya na ko.

so para sa ever gago (ganda na, gorgeous pa) na si blanca, salamat sa masasayang tagpo! mamimiss kita. wag kang mag-alala, papansinin pa rin kita kahit sikat na ko at mag-asawa na kami ni mong.Ü
_______________________________


Haaayyyy.. kung kagaguhan lang ang pag-uusapan sa kagaguhan lang talaga ni Angge ako natutuwa. At dahil finally, nakapasa na sya sa OrCom, CONGRATULATIOOONNNSSS!!!!!! Sige pag multimillionaire na tayong dalawa magkita tayo at batuhan ng limpak-limpak sa salapi. Hehe... ayan.. masaya na ulit ako :)


Posted at Wednesday, May 28, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Mistakes.. mistakes.. mistakes???



"My biggest mistakes in life
have all stemmed from
giving my power to someone else--
believing that the love
others had to offer
was more important
than the love I had to
give myself.  - Oprah

      
       Learn from your mistakes... Siguro nga naging cycle na ang love life ko ng sunud-sunod na mistakes.. regret... at moving on... Pero pano kung di ko pa kayang mag-move on? At pano kung magawa ko nanaman ang parehong pagkakamali na nagawa ko dati? Pano kung gusto ko ng pagbabago pero yung taong mahal ko, hindi magbago? Is it worth the chance?

       One thing I learned from this relationship is to love myself first. Dito ko naramdaman yung sakit ng pagkawala ng sarili mo.. dahil lahat, binigay mo na sa iba. I learned that before I have to manage a good relationship with other people, I have to build the best relationship with myself first. kasi dalawa lang yung dahilan kung bat ka mamahalin ng ibang tao e... 1. You love them back... 2. You love yourself.

       At kung iwan ka man ng lahat ng tao... may natitira ka pang karamay.. ang sarili mo.
 

      

Posted at Wednesday, May 28, 2008 by BLANCACHUCHAY
May Angal Ako!  

Wednesday, May 21, 2008
For the girl who I used to be....



    I was happy to see you bursting with laughter and joy. I can't imagine how you can make that smile... without any doubt of ache. That's what I want you to be.. everyday.... all your life. Your SUPERMAN came and brought you to places... made things new... and exciting. You are completely different person now. From a home girl and  sentimental to a free spirit that wants to fly far far away. So you embraced your SUPERMAN and joined him in his journey.

    But not all flights feels good right? How did you get warmth when the clouds are dark and cold? How did you ease the boredom of flying to nowhere? How did you take the fear when you look down the world.. and you're up up there.... what if you slipped off SUPERMAN's arm and fell down? Will you take the impact? Will you take the pain? Will you die?

    I hate you these past days, know that?! I saw you breaking up with your SUPERMAN and you're such a shit for that! Why breakup? Why give up? Why go down if you're happy up there? You face your fears right? Why lose hope?

    Hmmm... I know.... you're not like SUPERMAN or any other SUPERGIRLs in this planet. You get hurt. You feel afraid. You get lost and you need to get your self back.
   
     But for now, swallow this stone and fly.... fast!! Your SUPERMAN is waiting for you.




________________________________________


Happy five moths of flying!

:)

   

Posted at Wednesday, May 21, 2008 by BLANCACHUCHAY
Comment (1)  

Sunday, April 20, 2008
A TRIBUTE TO ANGGE...

Parang magkakasakit ako ngayon.
Gusto kong mang-away.
Gusto kong mang-gulo.
Gusto kong maging isang wild creature.
RAWWWRRRR!!!
Ewan ko ba....
Kakatapos lang naman ng period ko (.)
Hindi pa naman ako nagmemenopause.
May kulang... tsk.. parang may kulang...

Kahapon tinext ako ng ever gagong si Angge (Ganda na, gorgeous pa)... lablayp. malungkot sya. ako, masaya. sya... malungkot.. ako masaya...

Pero sa totoo... may part sakin na malungkot.



Tapos nag-flashback sa isip ko yung happy moments namin. Ang pang-aalaska namin sa mga taong dumadaan sa tabi ni kuya xeroxer... ang mga jokes naming bentang benta sa klasmeyts namin... ang semplang na takbo ng aming college life... ang future orcom life namin (na hindi na matutupad sa part ko)... ang Wii moments kasama si Jhe na halos magiba na ang bahay nila sa sobrang ingay namin.. ang sleep-overs.. ang pag-eedit ng music video ng mga p**&%^%$* ka-grupo sa Spanish... ang lablayp nya.. ang lablayp ko.... sa susunod na pasukan hindi na ganon ang ikot ng mundo.

Namimiss ko na si Angge. Ang kanyang kagaguhan. Ang murahan namin sa isa't-isa.. ang mga hampas nyang walang katulad... ang video-oke with matching dance moves... ang buddy kong walang katulad.


T_T

Posted at Sunday, April 20, 2008 by BLANCACHUCHAY
Comments (2)  

Next Page



BLANCACHUCHAY
Female
Kesong City :)



WELCOME sa banyo ni Blanca.
Ang babaeng WHOLESOME sa personal
pero sa blogging, MAKAPAL.
PANSININ ang NANGANGAMOY.
AMUYIN ang UMAALINGASAW.
TIGNAN ang HUBAD NA KATOTOHANAN
at baka ikaw.....
nangangailangan na rin
ng PALIKURAN.
_________________

Si Blanca ay isang 18 taong gulang na
estudyante sa isang unibersidad sa Maynila.
Araw-araw na pasahero ng LRT.
Hindi marunong sumipol.
Hindi marunong magtaas ng isang kilay.
Magaling magluto.
Mahilig gumuhit at sumulat.
Sabi ng nanay nya, sya raw ang
pinakamagandang bata sa mundo.
Ayaw nya sa "YOW-YOW" at lalong
ayaw nya kay Kim Chiu.
Gusto nyang maging astronaut
pero ayaw ng kanyang parents.
Mapanganib daw kasi sa outerspace
Mahilig sa musika.
Muntik nang maging perpektong tao.

i-add sya sa friendster:
blanca_chuchay@yahoo.com

at sa YM:
blanca_chuchay
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed